Kakaiba
Gab-gabi sa aking mga panaginip

Larawan mo ang siyang nasa isip

'Di ko na nga maintindihan ang aking sarili

Tanging Ikaw lamang ang kailangan

'Yan ang parating nasasabi



Chorus:

Ano bang meron ka na wala sa iba

Kakaibang katangian 'di mapantayan ng iba

Ikaw na nga, ikaw na nga siguro ang dapat mahalin

Ng isang taong nagluluksa ang damdamin



Repeat Chorus



Kaya ngayon kailangan kita

Sa aking pusong Napuno mo ng sigla

Sana'y lumapit ka na't h'wag makalimot

Pagkat mahal kita h'wag nang mayamot



Repeat Chorus