trip mo ba
Sa'n bang gimik ngayon?

Ba't ba palingun-lingon?

Sa'n bang byahe mo?

Sa'n ba ang iyong tungo?



Gusto mo bang sumakay

Sa wheels na iba ang lakbay

Dadalhin kita sa ibang planeta



Nagtataka ba?

'Wag ng mag-alinlangan ito'y kailangan

kusang dumaraan

sama ka na

Di mapapasama meron lang konting luha

Ngunit mayron ding tuwa

Tumalon na

Walang mawawala, mayron pang makikita

Sumama na't magtaya



(chorus)

trip mo ba sumakay sa ikot-barkada ng kabataan

Trip mo ba

Tumahimik sa halik ng una mong sinta

Trip mo ba

Masaktan upang sa huli may matutunan

Mabilis lang ang sakay

Isang beses sa buhay

Maghanda, magsuklay at sumakay



Pasada'y tadhana

Byahe ng barkada

Mula bata-batuta papuntang binata

Iba ang samahan

Dahil may pinagsamahan

Di lang sa kalokohan pati(sa) pagdadamayan



Nagtataka ba?

'Wag ng mag-alinlangan ito'y kailangan

kusang dumaraan

sama ka na

Di mapapasama meron lang konting luha

Ngunit mayron ding tuwa

Tumalon na

Walang mawawala, mayron pang makikita

Sumama na't magtaya

(wag ng nakatihaya)



(chorus)

trip mo ba sumakay sa ikot-barkada ng kabataan

Trip mo ba

Tumahimik sa halik ng una mong sinta

Trip mo ba

Masaktan upang sa huli may matutunan

(trip mo ba)

Mabilis lang ang sakay

Isang beses sa buhay

Wag ka nang mahintay

isang bese sa buhay

Maghanda, magsuklay at sumakay